"gusto kita pero dalawang pader na ng magkaibang simbahan ang humahadlang sa'tin."
Nakita ko lang yan sa comment box ng isang page sa facebook, "Utot Catalog" (filipino at mas hugot version ng thought catalog). Nung nabasa ko yan ay automatic na napa "woooaaah" ako. First time kong makabasa ng ganyang hugot tungkol sa pag-ibig (romantically). Feel na feel ko si "kuyang" nagcomment niyan. Baka siguro feel na feel ko ay dahil magkaiba din kami ng simbahan (figuratively ah!).
Ewan. Alam kong napaka aga pa para isipin ang mga bagay bagay pero minsan kung ano ano na lang talaga pumapasok sa utak ko. Syempre sa ngayon ay di pa kami masyadong nakakarelate sa "struggle " ng ganong situation pero pag nagtagal (sana naman hahaha *crossfingers*) diba ayan din naman iisipin namin.
Di ko nga lang maopen up yung topic na yan sa kanya, medyo sensitive kasi siya sa mga usapang alam niyo na.
But anyway, random thought lang naman yan. Slow clap na lang sa mga taong nagawang gibain ang nasabing pader haha.Bahala na si superman (pagod na si batman e).
But anyway and fyi , focus muna kami sa studies haha (realtalk yan, tinutulungan nya pa nga ako sa mga plates). Yun naman talaga mahalaga ayon kay Lola Nidora hihi (be inspired and not distracted). Random thought lang naman ang topic ng post na 'to.
No comments:
Post a Comment