Wednesday, October 14, 2015

KOLEHIYALA

Nakagraduate ako ng high school nang hindi ko masyadong sineryoso ang pag-aaral ko. Matataas naman mga grades ko, sadyang mababait lang mga teachers ko noon haha.Ngayong college na, di pa din ako nagseseryoso pero mas mahirap nga pala talaga ang college kaysa high school. Unang una, irregular ang schedule. Di mo alam kung papasok ba ang prof. mo na abduct na ba siya ng alien. Pangalawa, sobrang daming gawain! Lalo na pag tamad ka katulad ko. Congrats, cramlord ka 'pag ganun.
Pangatlo, ang pagbubudget! Kasi naman mas exposed ka na sa mga galaan, KAINAN, at kung anu ano pang gastusin. Ang pang-apat, sa sobrang hirap ng exam three na lang siya (kasi diba ang mahirap ay poor *four*, joke yan tawa ka). Dito nasusubukan kung gaano kabilis ang cellphone mo. Masusubukan din dito ang pagkakaibigan. Bestfriends kayong lahat agad! At panglima (at panghuli), nakakapagod! Nakakapagod ang haba ng byahe, makipagsiksikan sa mga sakayan, ang usok, ang init. Nakakapagod lang talaga.
Nakakapagod man, pinanghahawakan ko ang uso sa social media na "Tired of school but I have goals".

No comments:

Post a Comment