Wednesday, October 14, 2015

NAKAKAINIS

Nakakainis ang mga gantong pagkakataon. Mga pagkakataong wala kang magawa. Mga pagkakataong nagkakasakit ka. Pero pinakanakakainis sa lahat ay kapag namimiss ko siya. Teka ah, wag ka muna magreact na ang landi ko. But whatever namimiss ko talaga sya eh. Lalo na ngayon. Ngayon na hinang hina ako (physically dahil may flu). Hindi ko alam kung bakit ko sya iniisip (sus araw araw naman e). Pisti di talaga ako malandi haha. Pero siguro kung kasama ko siya ngayon, pagagalitan nya ako kasi ang tigas ng ulo ko (ayaw ko kasing uminom ng gamot). Sweet namin noh. Pero uulitin ko, di ako malandi. Siguro din yayakapin nya ako sabay sabing "ayan na bebe love, mapupunta na yung sakit mo sakin" na may kasamang halik sa noo. Ugh! Nakakgago talaga yung pakiramdam na ganto. Yung feeling na halos ikamatay mo na yung pagkamiss mo sa isang tao. Sorry di ako clingy at lalong di malandi (pangilan na to, although lahat ng tao may angking kalandian). Naiiyak na ako ngayon dahil sa letseng pakiramdam na to (pwedeng emotionally at physically). Hindi siguro ako mapapagod kaiiyak ng dahil sa kanya. Hindi rin naman sya napagod sa akin. Hindi siya napagod araw araw na magtrabaho para lang magkaroon ako ng magandang buhay.
di rin sya napagod sa pangangaral sakin (kahit na minsan ay nagtatalo na kami ). at kailanman di siya napagod na iparamdam sakin araw araw kung gaano nya ako kamahal at gaano ako kahalaga sa kanya. Sa kanya ko naranasan maging maganda kahit na may muta at gulo gulo pa ang buhok (minsan may tulo laway pa). Kaso sa isang bagay lang ata sya napagod. sa leukemia. Talagang nakakainis ang mga gantong pagkkataong naiisip ko sya. Naiinis ak kasi sobrag sakit na. Parang lahat ng "goodbye" sa mundo ay sinabi sakin ng sabay sabay.
talagang nakakainis ang mga gantong pagkkataong naiisip ko sya. nakakainis kasi wala akong magawa kundi iiyak na lang lahat ng pagsisi sa mga nasayang na panahon. Talagang nakakainis ang mga gantong pagkkataong naiisip ko sya. nakakainis kasi alam kong kahit gaano ako masaktan, kahit buong dagat pa ang iiyak ko araw araw, at kahit halos ikamatay ko ang pagkamiss, di na siya babalik. Mali, di pala nakakainis. Nakakgago, nakakashet, tanginis. Pucha . May forever nga. forever na syang di babalik. PS. Oo bebe love tawag sakin ni Papa

No comments:

Post a Comment